Search This Blog

8/29/2016

Buwan Ng Wika: Kimona at Patadyong

               Ang wika ang pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin. Ito ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. Naipadaramdam ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lawak ng galak at ang lalim ng lungkot. At ang wika din ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan. Sa maikling salita importante talaga ang wika kaya't kailangan nating pahalagahan ito.


   
 
                    Isa sa mga paraan ng pagbibigay importansya ay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na kung saan ay ang mga tao o mga estudyante sa iba't ibang paaralan dito sa Pilipinas ay inatasang mag-salita ng wikang Filipino at magsuot ng pangpilipinong kasuotan. At may iba't ibang kasuotan na maaaring masuot, at isa doon ang Kimona at Patadyong.


Ako ito na nagsuot ng Kimona at Patadyong noong Biyernes, Agosto 26, 2016


               Ang Kimona at Patadyong ay isang tradisyonal na Filipino clothing sa mga babae na isinusuot sa panahon ng ani sa larangan. Ang Kimona ay galing sa Visayas na pwedeng suotin araw-araw sa iba't ibang okasyon. Ito ay gawa sa Pina Jusi (Pineapple Fibre). At hindi kumpleto ito kung walang kasamang isang tela na hugis-parihaba na galing sa West Visayan wrap around na tinawag na "patadyong" bilang isang saya o palda. Ito ay gawa naman sa cotton fabric na karaniwang may mabulaklak o checkered na prints.

Kimona at Patadyong:







Iba pang mga disenyo ng kimona at patadyong:


Ito ang mga kaibigan ko na nagsuot din ng kasuotang pampilipino partikular ang kimona at patadyong.

















No comments:

Post a Comment